11/26/09 10:12 pm - Ngayong Nagmamahal na Ako Muli
Ngayong nagmamahal na ako muli,
mabuti't hindi ka pala katangitanging kaguapuhan.
Nakikita ko ang gewang ng iyong lakad sa kalsada
at tinutungo ng ulo ko ang kamusta.
Inaabot sa akin ng iyong magagaspang na kamay
ang aking sukli at nakakapagpasalamat ako.
Salamat.
At alam mo naman ako, kung saan-saan
pa rin tumutingin kapag naglalakad,
nawawala, ngunit kapag nakita ko na
ang malapad mong balikat, alam ko na
kung ako saan papunta. Nasaan ka?
At kung gabi, ang langit ng Los Banos
ang iyong maubang buhok. Narito ka.
Ngayong nagmamahal na ako muli,
naiintindihan ko si Buddha.
Hahahaha, baka hindi, pero minsan-- kapag
napapalibutan ako ng iyong piso sandosenang hitsura
kung may nakasuot ng iyong kamisetang maluwag
sa kuwelyo't kita ang mga buto sa leeg
o di kaya ng pantalon mong maluwag
na matagal nang wala sa uso
kapag kausap ko si Erwin tungkol sa pelikula,
o si Raymund tungkol sa kanta,
o nakikipag-inuman kina Jiro,
makipagpalitan ng libro ka Niel,
makipagtulaan kay Mark,
o di kaya'y sisinghot ng isang malalim
na hiningang umaasang isang atoma man lang
ng atmospera, sa litro-litro at galon-galon
nitong ating nilalanguyan, hangin man lang
magkasalo tayo muli,
naiisip ko: kay daling mahalin ang buong mundo,
magmahal ng walang pinipili't alinlangan
dahil hindi ka naman katangitanging kaguapuhan.
Kaya ko maupo sa ilalim ng puno habang umuulan,
at hindi tukso ang ahas kundi aninong masisilungan.
Ngayong nagmamahal na ako muli,
kaya kong mahalin ang buong mundo,
dahil mahla pa rin kita.
(pasensiya na sa catharsis ng ka-corny-han)