| Cupkeyk ( @ 2009-07-04 17:44:00 |
| Entry tags: | filipino, mine, poetry |
(trying out haibun)
dati pa man, alam ko na
na ako'y pinanganak na kulang
ngunit kapag ako'y bihis
sa kung anu-anong aking pinagteterno
at nahuhuli ko ang hangin
sa pagitan ng tela at balat
isang baun-baong buhawi
saka lamang ako nabubuo
Sa gabing tag-ulan
Ang palakang 'di kita
siya'y huhuni
ako'y maglalakad sa pasilyo
sa kalsada, sa bangketa, sa hagdan
at hagdan at hagdan pa uli ng metro
sasakay ng jeep, ng bus, ng tren
tatayo, uupo, magtatrabaho
may tapang sa likod aking malambot na kalasag
may maskarang di tumatakip sa aking mukha
ngunit nang-aagaw ng tingin mula dito
sa karagatan
tago sa sinag-araw
isda'y lilipad