Cupkeyk ([info]cupkeyk) wrote,
@ 2009-07-04 13:34:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend  Next Entry
Entry tags:filipino, mine, poetry

Hay! Init-lamig
Uulan o aaraw, magkakapote at puruntong,
magbibitbit ng payong, magsusuot ng shades
isisilid sa plastik ang sapatos at medyas
magtatanggal ng kurbata, magbubukas ng kwelyo

Hay! init-lamig,
nanunuyo ang aking mga labi
lawayan man ay panandalian
lamang ang ginhawa--

Iimik o titikom, walang masabing 'di mali
magbabaon ng abiso, at ipamumukha
itatago ang pangangatuwiran sa kaplastikan
magsisikip nga lalamunan, nabilaukan sa salita

Hay! init-lamig
nanunuyo ang aking mga labi
magkasundo man lang ng panandalian
lamang na ang ginhawa




Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…