| Cupkeyk ( @ 2009-06-14 11:55:00 |
| Entry tags: | filipino, mine, poetry |
walang pamagat
Si manang lolang kriminal, nasisingkit
ng sinag-araw sa pioneer, kung buhatin
ang kanyang takatak patakbo sa parak
na parating, nakangiti pa't bumubungisngis.
naisahan na naman niya ang batas.
Bawal kasi maghanapbuhay sa bangketa.
At nung bumili ako ng yosi't kendi-
combo ang marlboro at maxx, tatlong piso lang
sinkuwenta and tipid- nakuha pang pagalitan
akong nagtapon ng balat ng kendi sa kalsada.
Hipokrita, siya ngang nakakalat sa kalsada.
Si manag lolang kriminal, nanonognog
ng sinag-araw sa EDSA, unti-unti
akong pinapatay ng kanser sa baga,
alam niya mabuhay sa Phillip,
kesyo di mo nga naman kailangan
ng kendi kung kay tapang ng mentol
ng yosi. Sin cuenta din yun.